Una Maliit na Impormasyon tungkol sa kompanya
cara menggunakan olymp trade

Ang Olymp Trade ay isang online binary options broker na nakabase sa Russia. Ito ay pagmamay-ari ng dalawang kompanya, Smartex International Limited at Wallfort Limited. Ang Smartex International ay nakarehistro sa Seychelles (numero ng rehistrasyon 144540) habang ang Wallfort Limited ay nakarehistro sa Cyprus (numero ng rehistrasyon HE364695). Inilunsad noong 2014, ito ang isa sa medyo bagong binary options broker mula sa Russia.

Noong Pebrero 2016, ang Olymp Trade ay naging miyembro ng International Financial Commission (FinaCom) at ginantimpalaan ng isang katunayan sa pagiging miyembro. Bilang ikatlong partidong nangangasiwa, ang tungkulin ng FinaCom ay ang magbigay ng seguridad sa mga mangangalakal laban sa mga mapanlinlang na broker. Ang Olymp Trade ay pinangangasiwaan din ng Financial Market Relations Regulation Center (FMRRC). Ang FMRRC ay isang hindi komersyal na nangangasiwa na ang pangunahing hurisdiksyon ay Russia.

Olymp Trade: isang manloloko o lehitimong online binary options broker?

Ang pagiging napapangasiwaan ng buo ang isa sa pangunahing kadahilanan na dapat tingnan kapag sinusubukang alamin kung ang binary options broker ay lehitimo o manloloko. Bilang mangangalakal, nais mong malaman kung ang iyong pondo ay insured at, anumang problema na iyong matatagpuan habang nangangalakal sa isang partikular na platform ay mareresolba. Ang OlympTrade ay pinangangasiwaan ng parehong FMRRC at FinaCom. Ipinapakita nito kung hanggang saan ang ginawa ng broker upang makuha ang tiwala ng mga mangangalakal.

Gayunpaman, dahil ang FMRRC ay pangunahing nakatuon sa pangangasiwa ng mga iniaalok na serbisyo ng broker sa merkado ng Russia magkakaroon ng katanungan kung ang seguridad na inaalok nila ay pantay sa inaalok ng CySEC o ASIC. Habang iniimbestigahan namin ang broker, sinabi ng kanilang support staff na nag-apply n asila para sa sertipikasyon ng CySEC. Ngunit sa kasalukuyan, wala pang nababanggit na sila ay pinangangasiwaan ng mas mas kilalang awtoridad.

Ang pagiging miyemrbo ng FinaCom ay isang magandang pahiwatig na ang Olymp Trade ay isang lehitimong broker. Nag-aalok ang FinaCom sa mga mangangalakal ng legal na tulong sakaling ang mangangalakal ay magsampa ng di-pagkakaunawaan lavan sa sinumang broker na nakarehistro sa kanila. Ang mga mangangalakal ay inaalok ng hanggang $20,000 mula sa Compensation Fund kung sakaling ang kanilang reklamo ay napatunayang totoo. Bilang mangangalakal, nanaisin mong malaman na iyong deposito ay insured at maaaring maibalik sakaling ang iyong broker ay nagloko.

Lagi naming inirerekomenda na magsimula kang mangalakal sa isang broker na pinangangasiwaan ng buo dahil maliit ang panganib na mawala ang iyong pera.

olymp trade scam
Bakit angat sa lahat ang OlympTrade?

Ang isang dahilan kung bakit ang Olymp Trade ay angat sa lahat ay ang kanilang pagiging miyembro ng FinaCom. Ang pangunahing tungkulin ng FinaCom ay palaging tingnan ang kanilang mga miyembro at protektahan ang puhunan ng mga mangangalakal. Kapag nagsampa ka ng reklamo sa support staff ng Olymp Trade at hindi ito naresolba sa loob ng 14 na araw, mayroon kang karapatan na makipag-ugnayan sa FinaCom at resolbahin ang di-pagkakaintindihan. Sinisigurado nito na ang reklamo ng mga mangangalakal ay mabilis at propesyonal na inaayos.

Nag-aalok ang Olymp Trade ng madaling gamiting demo account na may lamang RUB 10,000 na virtual cash. Dahil dito madaling matuto kung paano mangalakal sa platform ng hindi nanganganib ang iyong sariling pera. Ang mga mangangalakal ay makaka-access din sa platform gamit ang mobile device kung kaya makapangangalakal sila mula sa halos kahit saan.

Kapag nagbukas ka ng totoong cash account, maaari kang mangalakal ng kasing baba ng $1. Hindi mo kailangang isapalaran ang malaking halaga sa isang pangangalakal kung kaya mas mapangangasiwaan mo ang iyong account.

Ano ang mga disbentaha sa Olymp Trade?

Ang isang bagay na nakakuha ng aming atensyon ay ang limitadong bilang ng makakalakal na asset sa platform. Mayroong 13 sa kabuuan at tanging pares ng pera at mga commodity na magagamit. Tinitingnan din namin ang pagiging napapangasawian ng FMRRC bilang disbentaha dahil ang tagapangasiwa na ito ay pangunahing nakatuon sa mga broker na nag-aalok ng kanilang serbisyo sa mga mamamayan ng Russia.

Dapat mo bang ikonsidera ang magbukas ng binary options trading account sa Olymp Trade?

Ang Olymp Trade ay nag-aalok ng mga natatanging tampok na karapat-dapat isaalang-alang. Sa pagbukas ng account, maaari kang magsimula gamit ang demo account na naglalaman ng RUB 10,000 na virtual cash. Nangangahulugan na ito na walang obligasyon na magsimula gamit ang iyong sariling pera sa pangangalakal.

Ang pinakamababang deposito na pinapayagan ay $10 o RUB 350. Ito ay mainam sapagkat maraming broker ang nangangailangang madeposito ng daan-daang dolyar. Ang pinakamababang halaga na maaari mong ilagay sa isang pangangalakal ay $1. Ito muli ay isang magandang bagay kung hindi mo nais isapalaran ang malaking halaga sa isang kalakal. Ang pinakamalaking halaga na maaari mong ikalakal ay $200 o RUB 10,000.

 

Panoorin kaming Magdeposito, Manalo ng Totoong Pangangalakal at Withdrawal mula sa Olymp Trade – Pag-aaral sa platform

olymp trade philippines

Ginagawang mas madali ang tagumpay sa kalakalan kapag mayroong tamang gamit sa pangangalakal. Ang Olymp Trade ay namuhunan sa malawak na hanay ng mga gamit kasama ang mga tagapagpahiwatig at chart na madaling ma-acces sa loob ng user interface. Kasama din sa interface ang “technical analysis” button na magbibigay sa iyo ng access sa mas marami pang gamit.

Bukod sa demo account, kasama din sa Olymp Trade ang bilang ng mga mapagkukunang pag-aaral. Ang mga mangangalakal ay mayroong access sa mga webinar at mga interactive course na nagtuturo sa kanila kung paano mangalakal sa mga instrumentong pinansyal.

Ang broker ay nag-aalok ng dalawang uri ng account, ang standard account at VIP account. Ang mga mangangalakal na magbubukas ng VIP account ay kailangang magdeposito ng hindi bababa sa $2000. Ang account na ito ay magbibigay ng abilidad na magbukas ng kalakal ng walang panganib sa kanilang deposito.

New account holders are offered bonuses. However, you still reserve the right to reject a bonus.


trik trading binary selalu profit

Ang Olymp Trade ay nag-aalok ng epektibong balik hanggang 80% para sa mga may hawak ng standard account at hanggang 90% para sa mga may hawak ng VIP account. Ito ay medyo mataas kumpara sa mga kakumpitensyang broker. Ang mga may hawak ng VIP account ay mayroong access sa mga signal ng pangangalakal at rekomendasyon gayundin sa personal na kasangguni. Ang mga mangangalakal ay mayroon ding oportunidad na tumaas ang kita mula sa mga paligsahan at espesyal na alok na regular na ibinibigay. 

Ang bilang ng asset na maikakalakal ay medyo mababa kumpara sa maraming kakumpitensyang platform. Kasama dito ang 10 pangunahing pares ng pera at 3 commodity. Isa itong magandang platform ng pangangalakal kung ayaw mong malunod sa malaking koleksyon ng makakalakal na asset. Gayunpaman, para sa maraming may karanasang mangangalakal na naghahanap mangalakal sa isang malaking portfolio ng asset, ito ay nakalilimita. 

Ang Olymp Trade ay nag-aalok din lamang ng isang uri ng kalakalan (call/put binary options). Ito din ay medyo nakalilimita para sa mga may karanasang mangangalakal. Gayunpaman, ang call/put binary options na uri ng kalakalan ay ginagawang  madaling hulaan kung ano ang mangyayari sa kalakal gayundin ang mabilis na pag-alis sa natatalong kalakal. Maaari mo ding kanselahin ang kalakal bago ang panahon ng expiry upang malimitahan ang pagkalugi. Ang mga window ng kalakalan ay maiksing panahon mula 15 segundo hanggang 60 minuto. 

Ang website ay maayos ang disenyo at madaling i-navigate. Ang layout ay madaling matutunan at hindi kalat-kalat mula sa maraming iba’t-ibang chart at gamit. Kung kailangan mong umaccess sa mga teknikal na gamit, maaari mo itong gawin sa “technical analysis” button na magagamit sa interface ng kalakalan. Bukod sa computer o laptop, madali kang makaka-acces sa iyong Olymp Trade account gamit ang mobile app. 

Ang Olymp Trade website ay magagamit sa Ingles, Russian, Indonesia, and Thai bukod sa ibang wika. 

Ang mga may hawak ng totoo o VIP account ay maaaring magdeposito ng pondo gamit ang wire transfer, credit card o e-wallet. Ang withdrawal ay maaaring gawin mula sa parehong cannel. Ang platform ay hindi naglalagay ng  limitasyon sa kabuuang halaga na maaari mong i-withdraw. Lahat ng withdrawal ay libre kung kaya makukuha mo ang halos ng lahat ng iyong kita. Bawat kahilingan sa withdrawal ay pinoproseso sa loob ng 24 oras at depende sa pamamaraan ng pagbaayad, maaaring abutin ng hanggang 5 araw ng negosyo bago mo matangap ang iyong pera. 

Ang grupo ng OlympTrade customer support at makakausap gamit ang email, online chat o telepono. Makakausap mo din sila mula sa kanilang mga social media account. 

Olimp trade review scam broker
Mga reklamo ng mga mangangalakal lavan sa Olymp Trade

Sa aming pagsuyod sa iba’t-ibang fórum at website, nalaman namin na maraming mangangalakal ang may positibong marka sa Olymp Trade. Gayunpaman, ang aming pananaliksik ay limitado sa katotohanan na maraming komento tungkol sa broker ay nasa Russia. Nagawa naming isalin ang ilan at isang reklamo ang nakakuha ng amig atensyon.

Sinabi ng nagrereklamo na naglagay siya ng dalawang eksaktong kalakal sa magkaibang computer sa parehong oras. Ang resulta ng kalakal matapos ang expiry ay magkaiba. Hindi namin mapatutunayan ang pagiging totoo ng reklamong ito. Isa pang kapansin-pansing reklamo na nahanap namin ay ipinaliwanag na ang presyo na makikita sa demo account at totoong account ay magkaiba. Ito ay medyo karaniwan sa mga broker at ang kaunting pagkaantala sa pagbabago ng mga presyo ay madalas na inaasahan.

Mukhang maayos ang Olymp Trade

Simula ng sila ay inilunsad, ang Olymp Trde ay nag-aalok ng mga oportunidad sa pinansyal na pangangalakal sa mga mamamayan ng Russia at ibang bansa sa Asya. Dahil sila ay pinangangasiwaan ng FMRRC ito ay nangangahulugan na hindi maiaalok ng broker ang kanilang mga serbisyo sa mga mamamayan ng maraming bansa kasama ang US at maraming bansa sa Europa. Sa kabila nito, isa itong magandang lugar upang mangalakal para sa amin.

Pagiging mabuti sa gumagamit

Ang website ng Olymp Trade ay maayos ang pagkakadisenyo at madaling i-navigate. Ang platform interface ay hindi kalat-kalat sa maraming walang halagang tampok at may madaling matutunang butto at tab na ginagawang madali ang paggamit ng platform. Ang platform ay magagamit din sa mobile kung kaya ang mga mangangalakal ay maaaring ma-access ang kanilang account mula sa halos kahit saan.

Olymp Trade Demo account
olymptrade review

Ang mga bagong mangangalakal ay binibigyan ng demo account na mayroong RUB 10,000. Binibigyan din sila ng ilang pag-aaralan kasama ang video, mga webinar at downloadable na eBook. Ang impormasyon tungkol sa kung paano gagamitin ang platform ay itinuturo sa ilang pahina gaya ng FAQ at mga tuntunin. Ang mga mapag-aaralan ay para sa lahat anumang uri ng kanilang account ang kanilang hinahawakan.

Bilang ng asset na makakalakal

Maraming modernong binary options broker ang mag-aalok ng higit 50 magkakaibang makakalakal na asset. Sa pag-aalok ng 13 asset lamang, ang Olymp Trade ay hindi gaanong rumaranggo sa kanilang mga kakumpitensya. Dagdag pa rito, nag-aalok lang sila ng isang uri ng pangangalakal (high/low binary options trading).

Oras ng expiry

Ang Olymp Trade ay nag-aalok ng maiksing terminong kalakal. Ang mga nangangalakal ay maaaring hawakan ang kanilang posisyon ng kasing bilis ng 15 segundo hanggang 1 oras. Ang interesanteng bagay na nakita namin sa platform na ito ay sa halip na magkaroon ng partikular na expiry ng kalakal na ibinigay, maaari mong i-type ang iyong sariling panahon ng expiry. Binibigyan ka nito ng maraming kontrol sa kung gaano dapat magtagal ang isang kalakal. Isa pang magandang tampok ay maaari mong ikansela ang natatalong kalakal upang lumiit ang pagkalugi.

Komisyon at epektibong balik

Ang Olymp Trade ay hindi naniningil ng komisyon o bayad sa mga kalak na inilagay o sa mga withdrawal. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang halos lahat ng iyong kinita. Ang kanilang epektibong balik ay maganda din. Ang mga may hawak ng standard account ay maaaring kumita ng hanggang 80% sa matagumpay na kalakal habang ito ay tumataas hanggang 90% para sa mga may hawak ng VIP account.

Pakikipag-ugnayan at Suporta

Makakausap ng mga mangangalakal ang support team ng Olymp Trade gamit ang live chat, telepono, email at, mula sa mga social media channel. Ang mga email ay madalas sinasagot sa loob ng 24 oras.

Mga deposito, withdrawal at bonus

Ang Olymp Trade ay nag-aalok ng dalawang uri ng account. Ang pinakamababang deposito para standard account ay $10 habang para sa VIP account ay $2000. Ito ay medyo mababa kumpara sa kinakailangan ng maraming kakumpitensyang broker. Ang pinakamababang halaga na maaaring ipuhunan bawat kalakal ay $1.

Maaaring i-withdraw ng mga mangangalakal ang kanilang kita gamit ang wire transfer, credit card o e-wallet. Ang mga withdrawal ay pinoproseso halos agad ngunit maaaring abutin ng hanggang 5 araw ng negosyo bago matanggap ang iyong pera. Ang isang bagay na gusto namin ay lahat ng bayad sa pagpoproseso ng kabayaran ay hawak ng kompanya. Dagdag pa rito, walang nakatakdang pinakamalaking halagang maaaring i-withdraw.

Ang binary options trader na ito ay nag-aalok sa mga mangangalakal ng bonus pagkatapos nilang mag-sign up. Ang halaga ng bonus na iyong matatanggap ay depende sa halaga na iyong idineposito sa iyong account. Maaaring kanselahin ng mga mangangalakal ang mga bonus. Kapag ginantimpalaan ng bonus, kailangan mong makamit ang pagbalik puhunan na X25 bago mo ito aktuwal na ma-withdraw.

Mayroon akong napakagandang karanasan sa skrill. Inirerekomenda ko na gamitin ang Digital wallet na ito, dahil sa kanilang napakababang bayad sa transaksyon, at sa kanilang seguridad. Pindutin ang link upang tingnan ito.

skrill olymp trade deposit

Partikular na ekstra sa karagdagang platform ng Olymp Trade

Anyoption mobile app

Bagaman ang pangunahing target na mangangalakal ay mula sa Russia, ang Olymp Trade ay magagamit mula sa 5 iba’t-ibang wika kaya ito ay mas madaling magamit. Nag-aalok din ang website ng uri ng mapakikinabangang gamit sa pakikipagkalakal at mapag-aaralan gaya ng mga chart, tagapagpahiwatig at marami pang iba. Ang pagiging magagamit sa mobile app ay isa din sa partikular na tampok na aming pinakagusto.

Simpleng gamitin at nakatuon sa mga baguhang mangangalakal ay ang salita na pinakamailalarawan ang Olymp Trade. Ang limitadong bilang na makakalakal na asses, malaking kaalaman na mapag-aaralan at madaming kapaki-pakinabang na gamit ang dahilan kung bakit isa itong perpektong lugar upang magsimula ang mga baguhang mangangalakal sa kanilang karera sa options trading.

Pagbubukas ng Isang Olymp Trade Account

Pangunahing tinatarget ng broker ang mga mangangalakal mula sa Russia kaya ang regulasyon ng FMRRC at ang malaking listahan ng bansa na hindi kasama sa kanilang serbisyo. Gayunpaman, hindi lahat ay masama tungkol sa broker na ito. Ang kanilang epektibong mga bonus ay medyo mataas kumpara sa kanilang mga kakompetisyon at ang kawalan ng anumang komisyon o bayad kung kaya makukuha mo ang halos lahat ng iyong kita. Ang Olymp Trade ay miyembro din ng FinaCom. Bilang mangangalakal ang pamumuhunan ng iyong pera sa broker na ito, makasisigurado ka na mababalik ang iyong pera sakaling ang broker ay bumagsak.

Olimp trade review option bonu

Kung ikaw ay mas interesado, pindutin ang link sa ibaba upang mag-sign up at tingnan ito mismo. 

 

Tingnan din ang ibang Mga pagsusuri sa binary option broker. 

Salamat sa pagbisita at good luck sa pangangalakal. 

olymp trade app

Click here to get this post in PDF