Best binary broker reviews

Ang mga mangangalakal sa online binary options ay sasang-ayon na ang pagpili ng tamang broker ay isa sa mahalagang bagay na maaari mong gawin upang madagdagan ang pagkakataong magtagumpay bilang mangangalakal.

Mayroong daan-daang broker na pagpipilian. Gayunpaman, ang paghahanap ng pinakamahusay na broker ay mangangailangan ng pagsasaalang-alang sa iba’t-ibang kadahilanan.

Kabilang dito ang pagsasaalang-alang ng mga bagay tulad ng kung sila ay ganap na napangangasiwaan, kung ano ang mga tinatanggap na pamamaraan ng pagbabayad, mga pinansyal na instrumentong inaalok at pinakamababang halaga ng kalakalan kumpara sa iba.

Ngunit ang pagsasala sa dose-dosenang broker upang mahanap ang tama para sa iyo ay maaaring mangailangan ng ilang araw ng online na pananaliksik. Upang makatipid ka ng oras, nilikha namin ang detalyadong pagsusuri na ito.

10 pinakamahusay na binary options broker na nag-ooperate online ngayon.

Bawat broker ay pinili base sa ilang pamantayan. Kasama dito ang:
  • Popilaridad sa mga mangangalakal online
  • Mga bansa kung saan sila popular
  • Awtoridad ng regulasyon
  • Maikakalakal na instrumentong pinansyal na inaalok
  • Tinatanggap na pamamaraan ng pagbabayad
  • Kung sila ay mayroong binary options demo account
  • Mabuti sa mga mangangalakal
  • Mga deposito, mga epektibong balik at mga withdrawal
  • ... at marami pang iba

Pagkatapos mabasa ang pagsusuring ito, magkakaroon ka ng sapat na impormasyon tungkol sa pinakamahusay na platform ng binary options at posibleng ang pinakamahusay na tutugon sa iyong mga pangangailangan.

Maaari mo ding pindutin ang isang partikular na broker upang mabasa ang mas komprehensibong pagsusuri ng broker na iyon.

Kaya heto na.

Olymp Trade

top binary options sites

Ito ang isa sa mga bagong manlalaro sa binary options market. Inilunsad noong 2014, ang punong-tanggapan ng Olymp Trade ay nasa Russia.

Ang options broker na ito ay pinangangasiwaan ng Financial Markets Relations Resolution Center (FMRRC). Miyembro din sila ng International Financial Commission (FinaCom).

Ang pagsisimula sa Olymp Trade ay madali sapagkat nag-aalok ang broker ng isang demo trading account na mayroong RUB 10,000 na virtual cash. Tumatanggap ang broker ng bayad sa pamamagitan ng wire transfer, credit card at eWallets gaya ng Skrill.

Kapag nagdesisyon kang sumali sa broker na ito, kakailanganin mong pumila sa pagitan ng Standard Account at VIP account. Para sa Standard Account, kailangan mo lamang gumawa ng pinakamababang deposito na $10.

Para sa VIP Account, kakailanganin mo ng hindi bababa sa $2000. Ang pinakamababang iyong maipupuhunan sa isang kalakal ay $1 at maaari kang kumita ng epektibong balik hanggang 90%.

Bawat kalakal ay maaaring tumakbo hanggang 1 oras at ang naluging kalakal ay maaaring alisin anumang oras upang bumaba ang pagkalugi. Ang listahan ng maikakalakal na asset ay kasalukuyang mas mababa sa 20.

Ang mga withdrawal ay mabilis na pinoproseso at madalas ay makikita sa iyong accout sa loob ng 5 araw. Sa kasalukuyan, ang Olymp Trade ay pinakapopular sa mga sumusunod na bansa: ang Pederasyon ng Russia, Thailand, Brazil, Indonesia at Turkey.

Broker MARKA Buong Pagsusuri Demo
most safe broker

IQ Option

binary options platform

Kinokonsidera namin ang isang ito na bilang pangunahing binart options broker para sa ilang kadahilanan. Una ay sila ay buong pinangangasiwaan ng CySEC at inaalok ang kanilang mga serbisyo mula sa mga mangangalkal ng maraming bansa sa buong mundo.
Ang IQ Option ay itinayo noong 2013 at ang punong-tanggapan ay sa Cyprus.

Ang platform ng broker na ito ay maayos na dinisenyo at maaaring ma-access gamit ang browser o app.
Kasama sa kanilang platform ang dose-dosenang magkakaibang chart, tagapagpahiwatig at iba pang tampok na mabuti para sa mga mangangalakal.

Isa sa kanilang malaking puntos ay ang mataas na epektibong balik bawat kalakal. Maaari kang kumita ng hanggang 95% sa matagumpay na kalakal. Ang isa pang magandang bagay tungkol sa broker na ito ay ang 10 milyong iba’t-ibang asset na iyong mapagpipilian.

Kung nais mong subukan ang kanilang platform, maaari kang magbukas ng binary options demo account bago magbukas ng tunay na account. Ang demo account ay may laman na $10000 virtual cash.

Ang pagbubukas ng isang totoong account ay mangangailangan ng kasing liit ng $10. Maaari kang magdeposito sa pamamagitan ng wire transfer, credit/debit card, Skrill at ibang eWallet.

Ang withdrawal ay maaaring isagawa gamit ang mga pamamaraan sa pagbayad na ito. Ang bawat kahilingan sa withdrawal ay pinoproseso sa loob ng 24 oras.

Ang IQ option ay tinatanggap ang halos lahat ng nasyonalidad ngunit ang ilang bansa kung saan pinakapopular ang IQ Option ay sa Pederasyon ng Russia, Italya, India, Brazil at Thailand.

Broker MARKA Buong Pagsusuri Demo
most safe broker

Ayrex

May ilang bagay kung bakit Ayrex ang isa sa pinakamahusay na binary trading site. Inilunsad noong 2014, ito ang isa sa ilang broker na kasalukuyang hindi pinangangasiwaan (bagaman sinasabi nilang nagtatrabaho sila upang makuha ang regulasyon ng CySEC).

Maaari kang pumasok sa posisyon ng pagkalakal gamit ang kasing baba ng $1. Ang pagkalakal ay maaaring tumagal ng hanggang 24 oras.

Isa sa mga dahilan kung bakit pinili naming isama ang Ayrex sa pagsusuri ng binary options broker na ito ay ang kanilang natatangi at custom platform sa pangangalakal.

Ang saligang software ay lubhang mabilis. Ito ay medyo mahalaga sapagkat ang broker ay nag-aalok ng oras ng expiration sa pangangalakal na may pinakamabilis na 30 segundo.

Nag-aalok din sila ng isang maayos na demo account na may $1000 virtual cash. Ang isang bagay kung bakit angat sa iba ang demo account na ito ay aktuwal mong mapapataas ang halaga sa iyong demo account ng $1000 dagdag.

Ang pagbubukas ng totoong cash account ay napakasimple lamang din. Ang broker ay tumatanggap ng ilang pamamaraan ng pagbabayad kasama ang wire transfer, credit card, Skrill at Neteller.

Ang pinakamababang halaga na iyong kakailanganin upang makapagbukas ng totoong cash account ay $5. Ang matagumpay na kalakal ay maaaring kumita ng hanggang 83% epektibong balik. Ang mga withdrawal ay pinoproseso sa loob ng 24 oras.

Ang Ayrex ay kasalukuyang nag-aalok ng higit 50 instrumentong pinansyal. Ang kanilang mga kliyente ay nagmula sa mga bansa gaya ng Timog Aprika, India, Indonesia, UK at Malaysia.

Broker MARKA Buong Pagsusuri Demo
most safe broker

High Low

Ang High Low ay isang Australyanong broker na itinatag noong 2014. Nagmamapuri sa higit 800000 trading account, isa sila sa pinakamabilis lumagong online broker ngayon.

Kasalukuyan silang pinangangasiwaan ng buo ng Australian Securities and Investments Commission (ASIC).

binary options companies

Ang High Low trading platform ay ginawa sa Markets Pulse Online software. Ang broker ay kasalukuyang nag-aalok ng higit 80 iba’t-ibang instrumentong pinansyal.

Lahat ng ito ay maa-access mula sa parehong demo account at totoong cash account. Ang demo account ng High Low ay mayroon lamang $10000 virtual money habang ang pagbubukas ng totoong cash account ay nangangailangan lamang ng $10 at higit pa.

Ang broker na ito ay nag-aalok din ng mga bonus na maaaring maging kasing taas ng 200%. Ang epektibong balik sa matagumpay na pagkalakal ay maaari ding maging kasing taas ng 200%. Ito ay mataas kung ikukumpara sa ibang pinakamahusay na mangangalakal ng binary options na isinama namin sa pagsusuring ito

Gaya ng karamihang broker sa pagsusuring ito, ang High Low ay tumatanggap ng ilang pamamaraan ng pagbayad kasama ang wire transfer at credit card. Maaari kang mag-withdraw ng kasing baba ng $50 at ang proseso sa kahilingan sa pagwi-withdraw ay 3 araw na negosyo.

Ang High Low ay sumisingil ng maliit na bayad para sa bawat ginagawang withdrawal. Bukod sa Australya, ang High Low ay nag-aalok ng kanilang serbisyo mula sa mga mangangalakal sa ibang bansa gaya ng Japan, Thailand at Brazil.

BDSwiss

Ang broker na ito ay itinatag noong 2012 at ang punong-tanggapan ay nasa Cyprus. Sa kasalukuyan, ang BDSwiss ay pinangangasiwaan ng CySEC, FSC at miyembro ng US National Features Association.

Ang BDSwiss binary options platform ay kasalukuyang nagkaroon ng pag-aayos. Mas madali na itong i-navigate at gamitin. Bilang karagdagan, ang platform ay maa-access din gamit ang browser at ang mobile app ay inaayos upang magamit.

top binary brokers

Mayroong demo account na magiging kapaki-pakinabang sa mga bagong mangangalakal kapag nagsasanay sa pangangalakal. Upang magbukas ng totoong account, kakailanganin mo lamang magdeposito ng EUR o USD 100.

Ang bawat trading account ay magbibigay sa iyo ng access sa higit 230 iba’t-ibang instrumentong pinansyal. Ang mga ito ay pangunahing nagmula sa FX at CFD.

Ang BDSwiss ay tumatanggap ng ilang pamamaraan ng pagbabayad kasama ang wire transfer, Skrill, Neteller at credit card. Ang bawat matagumpay na kalakal ay nakahihikayat ng epektibong balik na hanggang 85%.

Upang mapalaki ang iyong kita, ang BDSwiss ay nag-aalok ng pakinabang na hanggang X600 na lubhang mataas kumpara sa ilang binary trading site.

Ang mga withdrawal ay pinoproseso ng mabilis ngunit maaaring abutin ng 7 araw bago makita ang iyong pondo sa iyong account. Maaari ding maningil ang BDSwiss ng $25 na bayad sa pagwi-withdraw kapag ang iyong kahilingan ay mas mababa sa $500.

Sa kasalukuyan, ang pangunahing target ng BDSwiss ay ang mga kliyente mula sa mga bansang Alemanya, Italya, Switzerland, United Kingdom at Austria.

24Option

top binary options brokers

Itinatag noong 2009, ang kanilang punong-tanggapan ay nasa Belize. Ang binary options broker na ito ay pinangangasiwaan ng International Financial Services Commission (IFSC).

Ang isang bagay kung bakit ang 24Option ay isa sa pangunahing binary options broker ay ang kanilang platform na mabuti para sa mga baguhang mangangalakal. Ginawa itong napakadali at madaling ma-access gamit ang browser at mobile app.

Nag-aalok din ang platform ng iba’t-ibang tampok na pag-aaral gaya ng mga live webinar at mga video tutorial na magagamit ng mga bagong mangangalakal.

Ang 24Option platform ay magbibigay sa iyo ng access sa daan-daang magkakaibang instrumentong pinansyal na nagmula sa CFD/FX, mga commodity, mga indise, mga stock at mga cryptocurrency.

Maaaring mangalakal sa mga ito gamit ang demo account (na naglalaman ng $1000) o sa isang totoong account sa pangangalakal.

Upang magbukas ng totoong account, kakailanganin mong magdeposito ng pinakamababa sa $100 kapag gumagamit ka ng credit card o anumang dose-dosenang tinatanggap na elektronikong pagbabayad.

Kapag pinili mo ang wire transfer, kakailanganin mong magdeposito ng hindi bababa sa $1000 upang makapagsimula.

Ang pagpasok sa pangangalakal ay kakailanganin ng puhunan na hindi bababa sa $24 at hindi tataas sa $15000. Madalas, ang matagumpay na pangangalakal ay nagkakaroon ng epektibong balik na nasa 70% hanggang 85%.

Kung ikaw ay humahanap ng binary options platform na tumatanggap ng maraming pamamaraan ng pagbabayad, matutuwa kang malaman na tumatanggap ang 24Option ng 23 magkakaibang pamamaraan ng pagbabayad.

Gayunman mayroong kawalan. Ang broker na ito ay naniningil ng bayad sa withdrawal.

Madali kang makapagbubukas at makapagsisimula sa pangangalakal sa 24Option kung ikaw ay mula sa mga sumusunod na bansa:
United Kingdom, Pederasyon ng Russia, Italya, Alemanya at Espanya.

ExpertOption

Ito ang isa sa mga bagong manlalaro na pinangangasiwaang binary options broker sa industriya. Ang ExpertOption ay itinatag noong 2015 at pinangangasiwaan ng Financial Markets Regulations Center (FMRRC) at ng Vanuatu Financial Services Commission (VFSC).

Ang ExpertOption ay nag-aalok ng moderno, at may maayos na disenyong platform na pinapatakbo ng sariling custom software ng broker.

Ang platform ay mabilis at maa-access sa web browser o mobileapp. Sa pagiging bagong broker, ang listahan ng kanilang asset ay medyo limitado (kasalukuyang nasa

 best-binary-option-trading

higit 100 pa lamang).

Gayunman, kasama sa listahan ang mga cryptocurrency na nakahihikayat sa maraming mangangalakal.
Maaari kang magsimulang mangalakal sa ExpertOption platform gamit ang kanilang demo account na mayroong lamang $10000 na virtual cash.

Upang magbukas ng totoong account sa pangangalakal, kailangan mong magdeposito ng anumang halaga sa pagitan ng $50 at $5000.

Mayroong 5 uri magkakaibang account, bawat isa ay nag-aalok ng ilang tampok na mabuti sa mga mangangalakal. Bawat bagong account ay maaaring magkaroon ng bonus na hanggang 125% na medyo mataas.

Ang ExpertOption platform ay tumatanggap ng higit 20 magkakaibang pamamaraan ng pagbabayad kasama ang wire transfer, credit card, Skrill at WebMoney.

Depende sa uri ng iyong account, maaari kang pumasok sa posisyon gamit ang kasing baba ng $1 at kasing taas ng $5000. Bawat matagumpay na kalakal ay maaaring magkaroon ng epektibong balik na hanggang 96%.

Ang isang tampok na partikular naming gusto tungkol sa broker na ito ay kung gaano kabilis pinoproseso ang withdrawal. Depende sa uri ng iyong account, maaaring maproseso ang iyong account ng kasing bilis ng 48 oras.
Maaari ka ding mag-withdraw ng kasing liit ng $10.

Sa kasalukuyan, ang ExpertOption ay popular sa mga mangangalakal mula India, Estados Unidos, Timog Aprika, Indonesia at Thailand.

Finmax

Ang Finmax ay isang binary options trading platform na inilunsad noong 2015. Ang punong-tanggapan ng kompanya ay sa London at pinangangasiwaan ng International Financial Markets Relations Regulation Center (IFMRRC).

Ang mga bagong mangangalakal ay maaaring magsimulang mangalakal sa Finmax gamit ang kanilang demo account. Gayunman, ang demo account ay hindi nagbibigay ng access sa CFDs at FX.

Ang isang tampok kung bakit ang Finmax ay isa sa pinakamahusay na kompanya ng binary options ay ang iba’t-ibang uri ng account na inaalok. Ang mga bagong mangangalakal ay maaaring pumili sa 4 na magkakaibang uri ng account.

Ang pagbubukas ng isa sa mga account na ito ay mangangailangan ng pinakamababang deposito sa pagitan ng $250 at $5000. Ang mga bagong account ay maaaring magkaroon ng bonus na hanggang 100%.

Ang pangangalakal sa Finmax ay magbibigay sa iyo ng access sa higit 75 iba’t-ibang instrumentong pinansyal kasama ang mga cryptocurrency.

Upang makapasok sa pagkalakal, kailangan mong mamuhunan ng kasing liit ng $5. Ang totoong account ay pinopondohan gamit ang 8 pamamaraan ng pagbabayad kasama ang pag-transfer sa bangko at mga ePayment.

Depende sa uri ng iyong account, maaaring maproseso ang iyong withdrawal sa kasing bilis ng 24 oras.

Ang ilang bansa kung saan pinakaginagamit ang Finmax ay sa Pederasyon ng Russia, Ukraine, Austria, Alemanya at Italya.

Marketsworld

Isa sa mga nangungunang binary broker, ang MarketsWorld ay inilunsad noong 2011 at ang pangunahing-tanggapan nila ay nasa Isle of Man. Ang kompanya ay pinangangasiwaan ng Gambling Supervision Commission.

Isa sa mga bagay kung bakit angat sa iba ang broker na ito ay ang kanilang demo account. Bawat demo account ay mayroong $5000 na virtual cash at walang limitasyon sa bilang ng demo account na maaari mong buksan.

Para sa amin ang platform ay medyo makalat at mahirap i-navigate lalo na para sa mga bagong mangangalakal.

Ang pagbukas ng tunay na MarketsWorld account ay mangangailangan ng hindi bababa sa $10 na deposito. Bawat bagong account ay maaaring magkaroon ng bonus na hanggang 100% ng idinepositong halaga.

Bawat posisyon ng pangangalakal ay mangangailangan ng hindi bababa sa $1 na puhunan. Gayunpaman, maaari kang mamuhunan ng kasing laki ng $1000 sa isang kalakal. Bagaman ang broker ay nag-aalok ng mga tradisyonal na asset gaya ng mga pares ng pera at mga indise, ang kanilang mga instrumentong pinansyal ay medyo limitado (kasalukuyang nasa 18).

Ang pinakamaiksing 5 minutong paghawak sa posisyon ay medyo matagal kumpara sa ibang nangungunang binary options broker. Gayunpaman, ang 90% epektibong balik ay sapat na upang subukan ang broker na ito.

Ang MarketsWorld ay tumatanggap ng ilang pamamaraan ng pagbabayad kasama ang pag-transfer sa bangko, credit card at Neteller. Sa kasalukuyan, ang broker ay tumatanggap ng mga kliyente mula sa Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Mehiko at Timog Aprika.

Option Robot

Ang Option Robot ay isang binary options trading automation software. Ito ay isa sa ilang trade automation software na nagsy-sync sa ilang online broker platform tulad ng BDSwiss, StockPair at ZeusOption.

Ang software na ito ay mayroong user-friendly interface na madaling i-navigate. Ang isang bagay kung bakit angat sa iba ang Option Robot ay ang kontrol ng gumagamit ay hindi pinabayaan.

Kung kaya madaling i-configure ang software upang umangkop sa iyong istilo ng pagkalakal at ang mga kagustuhan ay tama sa iyong account. Ang Option Robot ay mayroon ding libreng demo na naglalaman ng $1000.

Dahil dito masusubukan mo ito sa iyong paboritong binary options site bago mo ipuhunan ang iyong pera sa bot.

Ang isang bagay na dapat tandaan ay ang OptionRobot ay makapapangasiwa lamang ng pangangalakal sa mga pangunahing pares ng pera.
Makakapasok ka din sa hanggang 8 sabay-sabay na kalakalan.

Maaari kang pumasok sa isang posisyon sa pinakamababang $5 at pinakamataas na $1250. Ang ibang nakapananabik na tampok na kasama sa software na ito ay ang 6 na iba’t-ibang teknikal na tagapagpahiwatig at pagkatugma sa 3 iba’t-ibang pamamaraan ng pangangalakal.

Ang mga mangangalakal mula sa Estados Unidos, Canada, Brazil, United Kingdom at Timog Aprika ay makikitang kapaki-pakinabang ang software na ito sa automation ng pangangalakal.

Konklusyon 

Ang paghahanap ng pinakamahusay na binary options platform ay nangangailangan ng iyong pananaliksik sa ilang mga broker at pagkumpara silang lahat. Maraming kadahilanan ang dapat ikonsidera.

Maaaring nangangahulugan ito ng paggugol ng ilang araw sa pananaliksik. Ito ang oras na mas mabuting ginagamit mo sa pangangalakal at pagkita. Ito ang dahilan kung bakit nilikha namin ang artikulong ito ng pagsusuri sa mga binary options broker.

Dito, tiningnan namin ang mga pangunahing broker na nag-ooperate online ngayon. Sana, mahanap mo ang pinakaangkop sa iyong pangangailangan.

Matuto ng higit pa tungkol sa pangangalakal sa binary options:

Click here to get this post in PDF